Anak na hindi ikinakahiya ang suot at itsura ng ama sa kanyang graduation, umani ng mga papuri!

 Panahon na ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral, panahon din ito para mabigyan ng isang malaking pasasalamat ang lahat ng mga magulang.





Proud na proud at walang mapagsidlan ng pasasalamat ang isang anak na si Guillerma Idias mula Dalaguete Cebu na matagumpay na nakapagtapos ng Senior High School ng dahil sa pagsisikap at walang tigil na paghahanapbuhay ng kanyang mga magulang.

Napuno ng mga papuri at pagbati ang kanyang ipinost na larawan nilang dalawa ng kanyang Tatay na si Florentino Idias, isang construction worker at magsasaka, na kuha mismo sa araw ng kanyang pagtatapos.

Bumihag sa atensyon ng mga netizens ang paglalahad ni Guill ng kanyang pasasalamat at pagmamalaki sa kanyang Tatay kahit pa humabol lang umano ito sa kanilang graduation dahil sa kanyang trabaho.

Nag-uumapaw sa tuwa si Guill nang makita ang ama sa araw ng kanyang pagtatapos kahit pa halatang pagod ang katawan nito sa pagtatatrabaho at basang-basa sa pawis ang suot niyang damit ay hindi niya ito ikinakahiya kahit pa walang bihis ang tatay niya.

Aniya pa nahihiya ang kanyang ama sumama nang inaya niya itong magpicture silang dalawa dahil wala daw siyang maayos na damit at madumi pa.

“Huwag na kasi wala akong bihis. Nakakahiya madumi ako at basang-basa pa ako,” paliwanag ng kanyang ama

Ngunit hindi pumayag si Guill sa rason ng ama at wala siyang pakialam kung ano mang itsura at kadumi ng suot nito at kahit ano pang sabihin ng iba, hindi niya ito kailanman na ikinakahiya bagkus proud na proud pa siya sa kanyang tatay.

“Pero ang sabi ko sa kanya “kahit pa madumi yang damit mo at basa ka, wala akong pakialam hindi kita ikinakahiya, kahit pa wala kang bihis,”.


Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo