Anak na may asawang foreigner, pinalayas ang ina na 85-taong gulang sa sarili sa nitong bahay at lupa
Ang pagbabalik ng pagmamahal at pag- aaruga sa ating mga magulang ay hindi isang responsibilidad kung hindi pagmamahal.
Kaya naman nasa anak na ang desisyon kung paano siya makakabawi sa lahat ng sakripisyo sa kanila ng kanilang mga magulang
May mga pagkakataon talaga na hindi nagkakasundo ang magulang at anak. Nakakapagsagutan minsan ay nagkakasakitan ngunit hindi ibig sabihin noon ay kalilimutan na ang katotohanang iisang laman at dugo ang dumadaloy sa inyong mga katawan
Nakakadurog lamang ng puso ang mga ganitong klaseng anak na mismong sariling magulang ang pinamamalupitan sa oras na mayroon nang ipagyayabang.
Kaawa-awa ang isang matandang ginang na ngayon ay nasa 85 taong gulang matapos palayasin ng kaniyang anak sa sarili niyang bahay at lupa dahil pinatituluhan nila ito ng kaniyang asawang foreigner ng wala man lang paalam! Higit pa doon, pinaalis ito kahit pa alam nilang mayroon itong karamdaman.
Ito ay ipinost ng isa pang anak ni nanay na si Dana Bautista upang manghingi ng tulong sa iba kung paano masosolusyonan ang problemang pampamilya.
Ayon sa kaniya, kasalukuyang nakatira ang kanilang nanay sa kaniyang tinitirahan ngayon dahil na nga sa kagagawan ng kaniyang kapatid at asawang dayuhan.
Hindi pa nakuntento ang mag- asawa sa ari- arian ng kaniyang ina bagkus ay pinagbantaan din si Dana na sila ay idedemanda kung hindi sila umalis sa sarili niya ding bahay.
Narito ang kaniyang post:
“Humihingi po kami ng tulong, Ito Ang aking nanay, 85 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pinalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa.
Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha parin at pinapalayas kami. Pinatituluhan Niya ang lupa Ng aking nanay Ng walang pahintulot Ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili Kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ang dapat naming gawin.”
Comments
Post a Comment