Anak ng Barangay Tanod at Kasambahay, Nagtapos Bilang Cum Laude!

 Isang anak ng isang kasambahay at isang barangay tanod ang buong pagmamalaking ibinahagi kung paano niya nagawang tapusin ang kanyang pag-aaral at makapagtapos ng latin honors sa International Peace Leadership College sa Tanay, Rizal. Ayon sa 21-anyos na si Jhonrick Art Catindoy Orense na nag-apply siya ng scholarship at naghanap ng mga paraan para kumita ng pera para mabayaran niya ang mga pangangailangan sa paaralan nang hindi humihingi ng pera sa kanyang mga magulang.



“Gumagawa din po ako logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops,” ani ni Jhonrick.

Ayon kay Jhonrick, ang kanyang mga magulang ang kanyang inspirasyon para makapagtapos ng pag-aaral.

“I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape,” pagbabahagi ni Jhonrick.

Si Jhonrick, na consistent honor student mula noong high school, ay nagtapos ng cum laude ng Bachelor of Arts degree in Journalism noong Linggo. Makikita sa larawan ang lahat ng mga medalyang naipon ni Johnrick sa paglipas ng mga taon.

Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo

Isang ama ang patuloy na kumakayod kalabaw kahit na may suot itong Oxygen Tube, Pasahero naantig sa kwento ng ama