Anak ng Labandera, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude sa Kursong Psychology!

 Maraming pinagdaanan si Francis Tirso Sinaban bago makatapos ng kolehiyo. Dug0 at pawis niya at ng kanyang ina ang naging puhunan para makatapos siya sa kolehiyo bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Psychology. Ibinahagi niya sa isang facebook post ang lahat ng pinagdaanan nilang mag-ina bago makatuntong kung saan man sila ngayon.



“HUMINTO, NAGPATULOY, NAKA-GRADUATE

It’s not too late for me to win this race. Oo tama ang unang kataga na nabasa ninyo, huminto ako ng ilang taon sa pag-aaral hindi dahil sa bulakbol ako o di kaya’y nawalan na ako ng ganang mag aral. Huminto ako ng pag-aaral dahil na-stroke si Tatay. Yung taong nagsisilbing haligi ng tahanan ay unti-unting nanghihina, kamuntik pa ako di maka graduate ng elementary kung tutuusin. January noon ng mastroke si Tatay, Grade 6 na ako at March ay magtatapos na ako sa elementarya, pero mula ng mastroke si Tatay ng January ay hindi na ako nakapasok sa school hanggang March.

Dalawang buwan na hindi pumasok, andyan na ang puro palakol na sa aking marka, paano ako makakapasok walang mag-aasikaso sa akin noon dahil bata pa ako, nag-iisang anak. Mabuti nalang at napakiusapan namin at naintindihan naman ng aking guro ang sitwasyon namin kung kaya’t pinagbigyan at nag special exam at maka attend sa graduation. Pagkatapos lumabas ni Tatay sa hospital ay dinala kami sa Pangasinan upang doon ipagamot sana si Tatay, pero naubos na lahat at wala na kaming magawa.

Anim na buwan ang tiniis namin ni Mama dahil wala naman trabaho si Mama sa lugar na yun at umaasa na lamang kami sa ibibigay ng ibang kamag anak namin kaya gusto nalang naming umuwi dito agad sa Isabela, mahirap ang makibahay, may kanya kanya din naman buhay ang ilan sa mga kapatid ni Tatay kung kaya umuwe nalang kami dito, pero hindi ganun kadali ang lahat.

Lahat na ata ng hirap naranasan ko na sa maagang edad mula noong na-stroke si Tatay. Namasukan ako sa isang bagsakan ng bote galing junkshop, tagahugas ng bote. Isang case 24 bottles to be exact sa halagang dalawang piso. Oo tama, dalawang piso, kapalit ng mga bubog na sumusugat sa aking mga kamay at binti sa tuwing nagtatama ang mga bote na basag na aking nililinisan. Pagkatapos ng anim na buwan naka pag-ipon, napilitan nalang kami tumakas umuwi dito sa amin, hindi ko naman sinasabi na masama ang aming kamag-anak bagkus nakakahiya naman gumalaw at parati nalang iaasa sa kanila ang lahat ng pagkain kapag ginutom ang sikmura.

Pagbalik dito sa amin napilitan na akong huminto sa pag-aaral. Oo libre ang highschool pero hindi naman lahat ng gagamitin ay libre kung kaya’t sa maagang edad huminto ako at ako ang taga alaga at bantay kay Tatay sa tuwing aalis si Mama para maghanap buhay para sa amin. Gusto kong makatulong kay mama, kung kaya’t naghanap ako ng trabaho na makakaya ko.


Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo

Isang ama ang patuloy na kumakayod kalabaw kahit na may suot itong Oxygen Tube, Pasahero naantig sa kwento ng ama