Andrea Brillantes magkakape sa New York
Excited na ang aktres na si Andrea Brillantes na makapunta sa New York sa Amerika.
Matutupad na nga ang dream niyang marating ang Big Apple matapos maging parte ng “Beyond The Stars”, ang US concert tour ng Star Magic nitong darating na August.
“Siyempre very excited po ako na makapunta sa New York dahil ‘yun po talaga ang dream ko ever since. Kasi lagi po akong nagbabasa ng books at lagi ang mga character ay nasa New York, mayroon silang apartments doon,” tsika ni Brillantes sa ABS-CBN article.
Dagdag niya, kabilang sa gagawin niya roon ang cafe-hopping.
“Gustong-gusto ko po na makapunta sa Museum of Modern Arts. Tapos gusto ko rin mag-coffee sa mga cafe sa New York. Mag-feeling main character lang po talaga sa libro, ‘yun lang talaga. Tapos magti-TikTok ako at kakantahin ko ang ‘New York’ kasi since grade school pa lang ako ay favorite ko na ang kanta na ‘yon. So very excited ako na ma-play siya ng nasa New York talaga,” dagdag na tsika ng dyowa ni Ricci Rivero.
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Comments
Post a Comment