Cristy imbiyerna kay Kris: Kung malasakit mo ay sa mga anak mo, kausapin mo mga tatay nila
Pinayuhan ni Cristy Fermin si Kris Aquino kaugnay kina Philip Salvador at James Yap, na mga tatay ng dalawang anak niyang sina Joshua at Bimby.
Sa latest episode ng “Showbiz Now Na”, nagbigay ng reaksyon si Cristy sa mahabang text message sa kanya ni Kris, kung saan pinagsabihan umano siya ng Queen of All Media na huwag bibirahin ang mga anak niya.
“Ano ang motibo mo para ibagsak mo sa akin ang lahat ng sama ng loob mo kay Philip Salvador at kay James Yap? Kawalan ng komunikasyon? Hindi ko problema ‘yan. Hindi tinatawagan ng dating karelasyon mo ang dalawang anak n’yo? Lalong hindi ko problema ‘yan,” naiinis na sabi ni Cristy.
“Bakit ako, ako ba ang nakarelasyon mo? Ako ba ang nakapareho mo sa paglipad sa kaligayahan? Never!” dagdag niya.
“Si Kuya Ipe ‘yan at si James Yap. Kung nakaya mo na makipagrelasyon at magmahal, Kris, hindi lang laway ang nilulunok. Pati ang pride.
“Kung totoo na ang iyong malasakit ay sa mga anak mo, kausapin mo ang mga tatay nila. Ikaw mismo ang dumiretso,” patuloy ng manunulat.
Comments
Post a Comment