Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis

 Hindi na raw nagulat ang asawang si Drew Arellano sa muling pagbubuntis ni Iya Villania sa kanilang ikaapat na anak.



Sa katunayan nga raw ay excited at sobrang saya nila sa pagdating ng bagong baby.



 

Ani Iya, ginusto rin umano nila ni Drew na dagdagan pa ang kanilang tatlong anak na sina Primo, Alonzo, at Alana.


“Well yung mga kids hindi nila masyadong gets except maybe si Primo (panganay na anak). Si Primo was actually hoping to have a baby sister. Very particular pa siya, ‘I want two baby sisters.’ Si Drew naman, hindi na rin siya nagulat. Kasi parang ginusto rin namin ito. Akala kasi namin hanggang three lang kami lalo na the third turned out to be a girl,” pahayag ni Iya sa isang panayam.


Dagdag pa ni Iya, kahit dati niya nang sinabi na hindi na nila dadagdagan ang tatlong anak, naadik umano siya sa saya at pagmamahal na ibinibigay ng mga ito.


“Naging trap, eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more. Ganu’n siya. Wala eh, the energy, the love, the joy that they bring, it’s so addictive that you just want to have more babies. Ha-hahaha! Kaya hindi na nagulat si Drew,” dagdag pa nito.




Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?


 

Tags: buntis, Drew Arellano, Iya Villania

Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo