Ina na pinabayaan na umano ng mga anak, gumagapang nalamang sa lupa upang maghanap ng makakain

 


Ang ating ina ang siyang tunay na nag mamahal sa atin na hindi humihingi ng kapalit, at ang tanging simpleng hiling lamang ng mga ito ay maalagaan din sila sa kanilang pagtanda ay sapat na sa kanila.

Ngunit may mga anak na hindi ito kayang maibalik sa kanilang mga magulang katulad nalamang ng isang ginang na si Nanay Gloria na hirap nang makalakad at tumayo dahil sa kaniyang katandaan.

Kung kaya’t tanging pag-gapang lamang ang kaniyang ginagawa upang makaraos at maghagilap ng makakain sa kaniyang mga kapitbahay.

Pinabayaan narin umano ito ng kaniyang mga anak na malapit lamang sa lugar, imbis na maawa ang mga ito sa kalagayan ng kanilang magulang ay inuutusan pa ng mga ito ang kanilang ina na mamili sa tindahan.

Kahit hirap man sa paglalakad at tanging pag gapang lamang ang ginagawa ay napipilitan parin ito dahil hindi ito makakakain kung hindi ito susunod, ayon pa sa ilang mga kapitbahay hindi narin kaaya-aya ang amoy ng ginang nasi Nanay Gloria.

Kung kayat’ isang netizen ang nanawagan nang tulong na sana’y matulungan ang matanda dahil sa pagiging pabaya ng mga anak nito sa kaniya saad ng netizen na si Prieto Orgal sa kaniyang post

“Siya si nanay Gloria Ybanez tiga Molave, Barangay Talisay Agusan Del Norte hindi na siya makatayo at gumagapang nalamang inuutusan pa ito ng mga anak niya para mamili dahil pag hindi ito sumanod ay hindi ito papakainin, kita sa mukha ng ginang na nahihirapan na ito at naiiyak nalang. sana’y matulungan po si nanay”


Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo

Isang ama ang patuloy na kumakayod kalabaw kahit na may suot itong Oxygen Tube, Pasahero naantig sa kwento ng ama