Isang bata na walang pambili ng pagkain, tanging karton lang ang kinakain para maibsan ang kanyang gutom
Nalungkot at nahabag ang isang netizen nang masaksihan niya ang kalagayan ng isang batang pulubi sa may gilid ng isang convenience store.
Ayon sa netizen na si Ienstien Hortal nagulat raw siya ng lapitan niya ang batang pulubi dahil nakita niya raw ito na kumakain ng karton.
Tinanong daw ni Ienstien ang bata kung bakit kumakain ito ng karton. Agad naman ito sinagot ng bata habang umiiyak, “Eto na po kinakain ko sa isang buong linggo.”
Nakilala ang bata sa pangalang John Mark Sta Ana may alyas na JM, siya ay 16 na taong gulang. Kwento ni JM siya daw ay graduating na sana ng Grade Six pero siya ay napatigil sa pag-aaral matapos ipamigay ng kanyang kuya ang gamit niya sa eskwelahan.
Awang-awa naman si Ienstien kay JM dahil sa sitwasyon nito, ayon kay Ienstien ipopost daw niya ang sitwasyon ni JM para nang sa gayon ay mabasa raw ng mga taong may busilak na puso upang matulungan si JM.
Narito sa baba ang kabuuang post ni Ienstien.
Comments
Post a Comment