Isang delivery boy, rollerblade skater lng ang gamit sa paghahatid ng produkto

 



Sadyang masisipag ang mga pinoy at madiskarte lalo na sa panahon ngayon. Sa hirap ng buhay kinakailangan nating magsumikap at gumawa ng paraan upang magkaroon ng pagkakakitaan. Kung tutunganga lamang tayo at aasa sa tulong ng iba hindi tayo makakasurvive sa buhay na ating tinatahak. Ngunit merong iilan na kahit nasa murang edad ay nagagawang dumiskarte upang kumita. Siya si Kean Arcilla Ramos, ang skater-boy ng muntinlupa na umagaw ng atensyon sa karamihan dahil sa kanyang abilidad sa pagdideliver ng anumang produkto gamit ang kanyang rollerblade skater. Talaga namang kakaiba ang kanyang pamamaraan sa ganitong trabahao para lamang magkaroon ng ikabubuhay. At kahit umulan-umaraw ay hindi siya kayang hadlangan sa kanyang paghahapbuhay. At dahil na rin sa hindi pa ito makakapagmaneho ng motor sa kadahilanang wala pa itong driver’s license kaya naman ginamit niya ang kanyang kakayahan sa paggamit ng skater. Malaking tulong ito para sa kanya dahil sa agresibo siyang tumutulong sa kanyang mga magulang. Kaya naman laking tuwa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na may sakit at hindi na nakakapagtrabaho.

Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo