Kaawa-awang lolo, hindi pinapapasok ng bahay at pinadlakan ng mga anak sa sarili nitong bahay
Napakasarap sa pakiramdam ang makabawi sa ating mga magulang dahil kanilang pagsasakripisyo noong tayo ay ipinanganak sa mundong ito hanggang sa paglaki.
Dapat lamang sila ay ating mahalin at alagaan sa kanilang pagtanda ito’y buong pusong sukli sa mahabang panahon na kanilang nilaan para sa atin.
Subalit, napakasakit din para sa ating mga magulang na kung minsan ay sarili pa nilang pamilya o anak ang pinabayaan sila at hindi binibigyan ng pagmamahal at atensyon.
Katulad na lang ng kwentong ito na nagpaluha sa maraming netizen, Ito ay ang isang viral post tungkol sa isang ama mula sa Panadtaran, San Fernando Cebu. Nagawa umano ng mga sariling anak na hindi papasukin ang kanilang ama sa sarili nitong pamamahay dahil sa away ng mga ito.
Ayon sa post ng DYLA Cebu Newsbreak, isang Lolo na si Mario Largo, 76-anyos ang tanging nasa labas na lamang ng gate ng kanilang bahay matapos umano itong hindi na pinapapasok ng mga anak sa sarili nitong bahay.
Sa detalye pa ng naturang post, Byudo na umano si Lolo Mario at may 12 itong mga anak. Isa rito ang nakapag-abroad na umano’y nagmamay-ari na ngayon sa bahay at lupa ng kanyang mga magulang.
Ayon sa isang nagpakilalang apo ni Lolo Mario na si Charlene Canoy Aliviado, siya raw ang unang nagpost sa sitwasyon na pinagdadaanan ng matanda na tanging ang ibang anak nito at mga kapitbahay na lang ang tumutulong para may makain at magamit itong higaan.
“Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng aking Lolo na si Mario Largo matapos na ipinadlock ang bahay at hindi na siya pinapapasok,” saad ni Charlene sa kanyang post.
“Malaking pasalamat namin sa mga kapitbahay na nagpapahiram ng payong, folding bed at unan. Maraming salamat sa inyong lahat na tumulong.” dagdag nito.
Pagpapatuloy pa ng kwento ni Charlene, Ayaw daw umalis at iwanana ng kanyang Lolo ang bahay niya dahil gusto niyang doon tumira dahil andoon raw ang lahat ng ala-ala ng kanyang asawa na doon din pumanaw sa parehong bahay.
Isang dosena (12) raw ang anak ni Lolo Mario ang kasalukuyang na sa ibang bansa na siya rin umano ang nang angkin at nagmamay-ari ng bahay at lupa ng kanyang mga magulang dahil sa nakapagbigay daw ito ng halagang 20K na pirmado ng kanyang Lolo.
Ayon pa kay Charlene, ipinambabayad daw ang sinasabing 20K sa mga dating utang ng asawa ni Lolo Mario. Ngunit, ipinagdidiinan din ng matanda na wala umano itong natatandaang pinirmahan niya.
Aniya pa, suportado daw ng dalawang anak ni Lolo Mario ang kapatid nilang nasa abroad at sila rin ang nagsarado at nag-padlock ng bahay. Tanging ang ina ni Charlene, isa sa mga anak ng matanda na nakatira sa ibang Barangay ang siyang naghahatid ng pagkain sa kaniyang ama.
Sinabi rin ni Charlene na natakot raw ang ibang anak ni Lolo kasama na ang kanyang Ina dahil pinagbantaan daw ito na kakasuhan kapag sila ay tumuntong sa naturang lugar.
“Ang iba nilang mga kapatid kasama na ang Mama ko, natatakot sila dahil kakasuhan daw sila. Kami na mga apo ay nag-aalala para kay Lolo dahil kung wala siya, wala rin kami dito sa mundo kaya sobrang nag-aalala kami sa problemang ‘to,”
Humingi raw ng tulong sa Barangay at sa Social Welfare Office ng lungsod subalit wala rin daw nangyari. Kaya nais nilang ilapit ito kay Sen. Raffy Tulfo.
Humingi rin si Charlene sa kanyang Facebook post ng tulong sa kung sino ang makakapagbigay sa kanilang ng payo kung ano ang nararapat nilang gawin.
“Manghingi lang ako ng payo sa ibang tao kung tama ba itong ginawa nila. Kung makatao ba ang ginawa nilang ito sa kanilang sariling ama? Please tulungan niyo kami kung ano ang dapat naming gawin.”
“Sana may makakatulong sa amin. #Mario Largo(LoLo) Laban lang tayo Lo. May Panginoon na nannunuod sa atin. Magtiwala lang tayo sa kanya na sana maging okay din ang lahat. Andito lang kami mga apo niyo, handa kaming tulungan ka at alagaan ka.”
Comments
Post a Comment