Kasambahay Noon, Isa ng ganap na Pharmacist Ngayon!

 


Nagbunga ang pagsisikap ng dating kasambahay na ito dahil graduate na siya sa kolehiyo at isang pharmacist. Ayon sa ulat, ipinanganak si Joanna Griño sa isang mahirap na pamilya na may walo sa Sorsogon. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng magandang buhay, sinundan niya ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa Maynila upang maghanap ng mga pagkakataon.


“Sabi ko kila ate, ate pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang ‘yung trabaho?” sabi niya.

“Kasi alam ko na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na talaga ako kung nandoon lang ako sa Bicol.”

Sa Maynila, nagtrabaho si Joanna bilang kasambahay habang nag-aaral ng pharmacist. Siya ay pinalad na may pagkain at matutuluyan, habang ang kanyang nakatatandang kapatid na si Mary Jane ang nag-asikaso sa kanyang matrikula.

“Hindi habang buhay ganito ‘yung sitwasyon ko. Kumbaga po kahit sobrang hirap gagawin ko at gagawa ako ng paraan para ma-push ‘yung pangarap at natupad ko naman po, pharmacist na po ako ngayon,” ani Joanna.

Si Mary Jane, ang una sa kanilang pamilya na humanap ng mas magandang pagkakataon sa labas ng Sorsogon, ay isang working student at full scholar sa Adamson University.

Naalala niya ang mga pagsubok na kinaharap nila noong bata pa sila. “‘Yung ultimo po asin, pisong asin, uutangin pa namin sa kapitbahay, ultimo isang pirasong sibuyas o bawang na pang-gisa,” mangiyak-ngiyak na sinabi ni Mary Jane.

Upang mabayaran ito, plano ni Joanne na suportahan ang kanyang nakababatang kapatid na si Jethro, na magsisimula ng kolehiyo sa susunod na taon. “Sukli ko na rin po kila ate na tinulungan ako,” ani ni Joanna.


Comments

Popular posts from this blog

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Mag-ina, Binawian ng Buhay Dahil sa Panganganak; Netizens, Bumuhos ang Pakikiramay!