Naulila Dahil sa Pandëmya, Piniling Magpakatatag; Nagtapos Bilang Summa Cum Laude sa FEU!
Siya si Rey Matthew James D. Volante, nagtapos ng kolehiyo sa kursong BS Biology Major in Medical Biology sa Far Eastern University – Manila. Siya ay nagtapos bilang Batch Valedictorian at Summa Cum Laude at bukod pa rito, nakakuha rin siya ng awards- The Outstanding Senior Students at The Outstanding Freshman Students. At siya rin ay nakatanggap ng scholarship sa Nicanor Reyes Senior Scholarship at DOST Merit Scholarship.

Sa kanyang facebook account ay ibinahagi niya ang nakakaantig damdaming speech sa kanyang graduation day, kung saan ikinwento nya ang kanyang mga pinagdaanan bago makamit ang kanyang tagumpay.
Ayon kay Matthew, ang kanilang pamilya ay mahirap lamang at sya at isang scholar kung kaya’t nakapasok sa kanyang paaralan.
Aniya, “Nasubukan na rin po naming magkakapatid na suyurin ang mga tindahan na pwedeng magpautang sa amin tuwing kapos at wala nang mailaman saming mga sikmurå.
“I had to be extraordinary all the time because opportunities do not come easily to poor people like me.”
Ibinahagi nya na nuong simula ng pand3mya, ang kanyang kakambal na lalake ay nakulong dahil ito ay napagbintangan at bago naman manalo sa prosecution office ang kanyang kapatid, ang kanyang ina ay binwian ng buhay ng dahil sa C0VID 19.
Isang buwan makalipas, ang kanyang ama naman ay inatåke sa pus0 at binawian din ng buhay. Parehong pumånaw ang magulang nya na nag iisa sa hospital dahil sa stiktong protocol ng C0vid 19.
“Lagi ko lang isinasapuso ‘yung sinabi ni mama at papa before they passed away, na kahit anong mangyari magpatuloy ako. Hindi dapat ako magpaapekto. Pinili ko at ng aking kapatid na maging matapang sa gitna ng lahat ng nangyari because it was our parents’ dying wish.

Comments
Post a Comment