PWD, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude: “Sinasabi nila, ‘Bakit pa ako nag-aral?’”

 Siya si Grace Anne Cadosales, nagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology bilang isang cum laude. Tinupad niya ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo sa kabila ng kanyang sitwasyon at sa mga inasabi ng ibang ao sa kanya. Hindi siya nagpadaig sa mga hindi magagandang sinasabi sa kanyang kundi nagpatuloy siya.

“5 yrs old ako ng marealized ko na hindi ako normal tulad ng iba. Never kong tinanong sila mama at papa kung bakit ako naiiba, kung bakit hindi ako normal, bakit sa dami ng tao sa mundo ako pa ang ganito. Alam ko kasing hindi din nila alam ang sagot. So, I ask God “Lord why me?. Bakit ako ganito?” Sagot lang ni God “May purpose ako anak kaya kita ginawang ganyan”.

“Simula non un ang pinanghawakan kong salita ng Diyos. Un ang mga salitang pinauulit sa utak ko kapag may mga bagay na hindi ko magawa na nagagawa ng ibang normal na bata.
Sa mga panahon na un tanggap ko na kalagayan ko.

“Kaso hindi pala madali, lalo na sa pag abot ng pangarap ko.

“6 yrs old ako nong sinabi ko kay mama na gusto ko mag aral. Nong unang beses akong in-enroll ni mama sa school hindi ako tinanggap kasi daw hindi ako normal at maaring maging pabigat lang ako sa klase. Sa early stage na un ng buhay ko nakita kona na kung ano ba ang totoong kulay ng mundo sa mga tulad kong PWD. Hindi pala lahat tanggap ako.

Ginawa lahat ni mama ang paraan ma-enroll lang ako, tinulugan sya ng isang kong doctor/therapist na ipaglaban karapatan kong makapag aral. And finally tinanggap na din ako sa pangalawang pagkakataon.

Sobrang excited ko noong malaman ko na makakapag-aral na din ako. Akala ko madali na lang maabot ung pangarap kong makapagtapos ng pag aaral,pero hindi parin pala. Akala ko mga exams, project at assignment lang magiging problema ko hindi pala.

“May times na may na-encounter akong mga grupo non ng mga magulang na sinasabi nila “bakit pa ako nag aral” “baka maging pabigat lang ako at maaprktuhan ang klase”. May mga bata din noon na pinag tatawanan kalagayan ko.

“Sa mga panahon na un sinabi ko sa sarili ko na “ok lang, may purpose si Lord kung bakit ako napili nya”.















Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo