Sanggol na iniwan sa basurahan noon, isa ng milyonaryo ngayon

 Lahat tayo ay nakararanas ng hirap at pagsubok sa buhay. Ang iba ay mas malala pa ang pinagdaraanan. Ngunit hindi sila sumusuko sa hamon ng buhay. Katulad na lamang ng isang sanggol na iniwan noon sa basurahan ngunit ngayon ay isa ng successful at milyonaryo.



Ito ang kwento ni Freddie mula sa Florida, USA.


Kung pag-uusapan ang pagsubok, isa na si Freddie sa talagang nakaranas nito. Taong 1989 siya ipinanganak. Pagkasilang na pagkasilang sa kanya ay agad umano siyang iniwan sa basurahan at itinapon na parang basura.


Ang mga sanggol ay inosente at walang ka alam-alam. Kailangan nila ng pag-aaruga at pagmamahal habang lumalaki.

Mabuti na lamang at may nakakita kay Freddie at agad itong inireport sa mga pulis. Agad naman siyang dinala sa isang bahay ampunan.


Matapos ang ilang taong pananatili ni Freddie sa bahay ampunan, isang mabuting pamilya ang umampon sa kanya, ang Figgers family.


Ipinakita at ipinaramdam nila ang pagmamahal at pag-aaruga kay Freddie na matagal na niyang hinahanap.

Simula bata ay nakitaan na si Freddie ng pagiging matalino at malikhain. Kailangan lamang niya ng suporta ng pamilya upang tuluyang lumabas ang kanyang potensyal.

Hindi naman mayaman ang kanilang pamilya ngunit sapat na ang pagmamahal na ipinapakita nila kay Freddie.

Sa isang interview, sinabi ni Freddie na kaya raw siya binilhan ng computer ay upang makaiwas ito sa mga gulo at barkada.

“He thought that a computer might help to keep me out of trouble,” saad ni Freddie.

Sa edad ng 13, sinubukang pumasok ni Freddie sa isang computer repair company.

At sa edad na 15, nakapagpatayo na siya ng sarili niyang computer repair company.


Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo

Isang ama ang patuloy na kumakayod kalabaw kahit na may suot itong Oxygen Tube, Pasahero naantig sa kwento ng ama