Anak, ibinuhos ang limang taong sahod upang maipatayo ang pinapangarap na two-story house na pinapangarap ng kaniyang ama
Hindi naman masamang mangarap ng higit pa sa kakayahan mo. Dahil sino bang mag aakala na baka balang araw eh mag iba ang ikot ng mundo. Walang mawawala kung mananatili kang positibo.
Ang Anak na si Randy Oliverio ay nangako sa kaniyang sarili na ang pamilyang kaniyang pinanghahawakan ay magkakaron ng isang maganda at maayos na pamumuhay. Ang pangako niya sa kaniyang sarili, sa wakas ay natupad makaraan ang limang taong pagtitiis.
Wika niya, iyon na daw ang huling beses na makikita niya ang kanilang bahay na luma na maraming tapal dahil sa mga butas nito na nagdudulot ng perwisyo sa kanila sa tuwing umuulan.
Taong 2014, nang sinabi din niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang masiayos ang nilalait lait na tagpi tagping bahay.
Hindi naglaon nang makita ang malaking pagbabago sa bahay na minana pa niya sa kaniyang ama. Binase niya ang bahay na kaniyang ipinaayos sa blueprint na ginawa ng kaniyang ama bilang kanilang dream house.
“Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n’ya sa magulang n’ya.
Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n’ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n’ya.
And praise God! Ang pangarap ng papa ko noon ay hindi na lang sa drawing ngayon kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!” sabi niya.
Comments
Post a Comment