Babae, napawalang-sala matapos makulong ng 17 taon

 Napawalang sala ang isang babae sa kasong kidnap for ransom matapos ang 17-taon na pagkakulong. Ang ginang, nagkaroon ng bagong pag-asa nang mabigyan ng trabaho sa karinderya.



Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nadakip noon si "Pops" noong Marso 2004 kasama ang kaniyang nobyo dahil nabanggit na kaso.


Hindi lubos inakala ni Pops mag-uumpisang magbago ang kaniyang buhay sa kulungan.


"Inisip ko 'yung anak ko, magulang ko, sobrang tanda na nila, may mga sakit pa. Namatay na rin 'yung tatay ko, hindi na niya kinaya 'yung nangyayari. Nahirapan po ako sa sitwasyon ko. 'Yung pangungulila ko sa kanila sobrang hirap," sabi ni Pops.














Edad 27 lang noon si Pops nang makulong, samantalang anim na taong gulang pa lang noon ang anak niya.


Naiisip ni Pops na sumuko na kung minsan, ngunit nakahanap si Pops ng suporta mula sa mga kapwa PDL.


Sumali si Pops sa mga programa tulad ng pagsasayaw at pagkanta para maiwasang mag-isip ng hindi maganda.


Hunyo ng 2021 nang mapawalang sala si Pops sa kaso, o katumbas ng 17 taon na pagtitiis sa likod ng rehas at ang buhay sa loob.


"Ang inisip ko, paano ako magsisimula? Ano po ba ang magagawa ko? Saan ba ako pupunta? Sino ba ang taong puwedeng makatulong sa akin para makapagsimula ulit ako?" sabi ni Pops.

Comments

Popular posts from this blog

Lolang 90-Anyos, Salat sa Buhay at Umaasa sa mga Napupulot na Pagkain, Para Maitawid ang Pang araw-araw na Buhay.

Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Batang mag-aaral sa elementarya, Tanging kanin na binalot sa dahon ng saging at ulam nito ang isang pakete ng toyo