Mapalad na mag-asawa na bumili ng lumang bahay, nagulat sa bodega na puno pala ng pera!
Hindi lubos akalain ng mag-asawa mula Ohio ang kanilang natuklasan sa kanilang nabiling lumang bahay ay ang magpapabago pala sa kanilang pamumuhay matapos nilang madiskubre ang maraming salapi sa bodega ng naturang bahay. Nagsimula raw ang mag-asawa na ayusin o irenovate ang basement, habang nagtatrabaho sila ay napansin nila ang plywood na nakausli. Napagdesisyunan daw ng mag-asawa na unahin ang parte ng attic na iyon at tinanggal ang plywood.
Agad naman silang nakakita ng graffiti sa dingding na may iba’t ibang simbolo ang nakasulat. nagpatuloy sila sa pagtanggal ng plywood at wall paper at pagkatapos ay sinunod ang kisame.
At nang inaayos nila ang kisame ay napansin nila ang isang kahon na naipit sa pagitan ng mga kahoy. Kanila itong kinuha at napansin nila na tila saktong-sakto ang pagkakaipit ng kahon na ito. Kanilang nakuha ang kahon na may kulay berde at silver, patuloy naman ang mag-asawa sa paglilinis at pagtatanggal ng lumang kahoy. Subalit tila hindi mawala sa isipan ng mag-asawa ang naturang kahon medyo mabigat raw kasi ito at mukhang sinadyang itago upang hindi makita ng iba.
Comments
Post a Comment